Your Friend: RAFAEL ELARDO

Ang mga example na sasabihin ko dito sa blog na ito ay mga ilan lamang kung bakit sila nahihirapan magka resulta sa kanilang business.
Unang una jan ay hindi nila alam kung ano ba talaga ang pinasok nila na business.
At kung ano ba ang naghihintay sakanila sa dulo nito, ano ba yung reward na naghihintay sakanila.
Yun ang isang dahilan kasi hindi nila alam kung ano ba yung mapapala nila ano ba yung big picture na makakamtan nila kapag seniryoso nila ng mabuti ang business nila.
Pangalawa wala silang desire na
mag business. ito yung mga tipo ng tao na na hype lang or na ing-ganyo mag business kasi nalaman nila na yung kaibigan nila nag business din kaya sila mag business din, At ang isa pa ay yung napakitaan lang ng malaking pera maraming pera na naka post sa facebook kaya sila nagsimula mag business..
Ito yung tipo ng tao na hindi kikilos at walang gagawin para mapalaki niya ang kanyang business kasi na hype lang. Bagkos ang masakit pa dun kapag hindi kumita ang ganitong tipo ng tao ay mag quit sila at ang masakit pa dun sisihin kapa or sisirain pa ang iyong company.
Pangatlo Walang tamang knowllege and skill para gawin ang business nila.. Karamihan kasi na mga nagsisimula pa lang ay mga bagohan or wala pa talaga ka alam-alam kung ano paano gawin ang business nila. Kaya ang nangyayari ay nahihirpan sila gawin ng tama ang kanilang sariling negosyo.
Walang mentor na nag guide, walang mga training materials na magagamit, walang proper traning, motivation, coaching,etc...
Pang-apat hindi sigurado sa kanilang pangarap. Lahat ng tao ay may kanya kanyang pangarap kaya lang ang nagiging dahilan naman kasi ay hindi malinaw kung ano ba talaga ang kanilang gusto, kung ano ba talaga ang kanilang gusto makamtan, walang spicefic na presyo,araw,buwa,taon kung kelan nila ito makakamtan.
Isa ito sa mga dahilan kaya nahihirapan ang mga nagsisimula mag business para magkaroon ng resulta sa kanilang ginagawa..
Kaya ikaw tatanongin kita ano ang dahilan mo bakit ka nahihirapan magka resulta.?
I hope may natutunan ka sa blog na ito..
Gusto ko malaman ang opinyon mo dito sa blog ko.
sulat mo sa coment box ang iyong mensahe...
No comments:
Post a Comment